-- Advertisements --
image 599

Patuloy pa rin ang pagdagdag ng bilang ng mga mag-aaral para sa school year 2023-2024.

Sa huling datos mula sa Learner Information System, nasa 24,772,003 na ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nagparehistro para sa bagong taong panuruan.

Sa naturang bilang, pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,672,271 sinusundan ito ng Region III na may 2,753,328 at National Capital Region na may 2,597,582.

Samantala, ang Alternative Learning System (ALS) naman ay nakapagtala ng 217,631.