-- Advertisements --
Studyante

Patuloy pa rin ang pagdagdag ng bilang ng mga mag-aaral na nagpaparehistro sa unang linggo ng bagong taong panuruan.

Sa huling datos mula sa Learner Information System para sa 2023-2924 ngayong Setyembre, nasa 25,433,737 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistrong estudyante.

Sa naturang bilang, pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,760,530 sinusundan ito ng Region III na may 2,802,657 at NCR na may 2,631,737.

Sa huling datos naman sa Alternative Learning System (ALS), nakapagtala na ng 243,667 registration.