-- Advertisements --

Umakyat pa ang bilang ng mga lugar sa bansa na nagdeklara ng state of calamity dahil epekto ng El Niño phenomenon.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad na 25 lungsod at munisipalidad at limang probinsya sa bansa ang nagdeklara na ng state of calamity.

Kabilang na aniya rito ang ilang mga lugar sa Cordillera, Mimmaropa, Regions 5, 6, 7, 9 at iba pa.

Pero karamihan aniya sa mga apektadong lugar ay nasa Region 12 at probinsya ng Maguindanao.

Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na ang El Niño phenomenon ay nakapagtala na ng P5.05 billion halaga ng pinsala sa mga pananim.

Dahil dito, ayon kay Jalad, nagbigay na ng ayuda ang DA sa mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng loan at insurance program ng ahensya.