-- Advertisements --
Patuloy pa na nadaragdagan ang bilang ng mga residenteng inilikas sa gitna ng nagpapatuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon sa latest situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 14,376 indibidwal ang pansamantalang inilikas at nanunuluyan sa 22 evacuation centers habang nasa 584 katao o 156 pamilya naman ang nakikitira sa kanilang mga kakilala.
Sa mga na-displace na mga residente, nasa 883 ay mula sa Camalig, 57 mula sa Ligao, 615 mula sa Daraga, 1,046 mula sa Guinobatan, 899 mula sa Malilipot, at 438 mula sa Tabaco.
Samantala, nakapagbigay naman na ang pamahalaan ng P20.1 million halaga ng ayuda para sa Region 5.