-- Advertisements --

Mahigit 150 iba pang health workers ang tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Base sa report ng Department of Health (DOH), hanggang noong Enero 2, 2021 ay aabot na sa 13, 660 ang kabuuang bilang ng mga health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19.

Sinabi n DOH sa kanilang COVID-19 report kahapon na ang kabuuang bilang naman ng recoveries sa hanay ng mga health workers ay umakyat sa 13,301 matapos na makapagtala ng 170 na bagong recoveries, habang ang death toll naman ay nananatili sa 76.

Aabot naman sa 283 na medical workers ang patuloy na sumasailalim sa treatment o quarantine.

Ang mga nurses ang siyang may pinakamaraming bilang ng COVID-19 sa kanilang hanay na may 4,831 infections, na sinundan ng mga doktor na may 2,246, nursing assistants na may 1,017, medical technologists na may 677, at midwives na may 461 cases.

Mahigit 600 iba pang non-medical personnel gaya ng utility workers, security guards, at administraqtive staff ang kasama rin sa tally ng DOH.

Kahapon, pumalo sa 477,807 ang COVID-19 cases sa Pilipinas.