Umakyat na sa 26 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa mga empleyado ng Kamara.
Ito ay matapos na maitala ang panibagong dalawang kaso, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales.
Ayon kay Montales, ang unang bagong pasyente ay isang babaeng empleyado na naka-assign sa Human Resource Management Service.
Huli itong pumasok sa trabaho noong Hulyo 20 at noong Hulyo 25 lamang nagpa-test matapos na makaranas ng mga sintomas.
“She’s the aunt of the confirmed case from Procurement and Supply Management Service. They live in the same house,” dagdag pa ni Montales.
Ang ikalawang pasyente naman ay empleyadong naka-assign sa Grounds Maintenance Group, na huling pumaso sa trabaho noong Hulyo 21 at nakapagpa-test noong Hulyo 26 nang magkalanat siya.










