-- Advertisements --
cropped House of Representatives

Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang House Bill na naglalayong maparami ang bilang ng mga Court of Appels Justices sa buong bansa.

Ang nasabing House Bill ay inihain ni Cavite 8th District Representative Aniela Tolentino kung saan layon niyong mabigyan ng mas malawak na access ang mga Pilipino sa pamamagitan ng mas maraming appellate courts sa bansa.

Maliban dito, maaari ding pag-aralan ng mga bagong tayong appellate courts ang mga backlog sa mga kaso.

Kung maaprobahan ang nasabing panukala, magiging 78 na ang appellate courts sa bansa, sa halip ng kasalukuyang 69.

Ayon kay Cong Tolentino, ang bilang ng mga kasalukuyang Court of Appeals justice sa bansa ay pareho pa rin sa naging bilang nila noong 1996 o halos 30 years na ang nakakaraan.

Ito ay sa likod aniya ng pagtaas ng populasyon, at paglobo ng mga economic activities sa bansa.

Kabilang sa mga nais ng Kongresista na madagdagan ng mga bagong Appellate division ay sa Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur, Davao City, at iba pa.