-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga bumili ng mga sasakyan sa buwan ng Hulyo.
Base sa datos ng e Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (Campi) and the Truck Manufacturers Association, na mayroong 33.3 percent ang pagtaas ng mga bumili ng sasakyan.
Katumbas ito ng 37,086 units na mas mataas sa 27,813 units na naibenta sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Nanguna pa rin ang mga car brands m ula sa Japan.
Naniniwala ang grupo na kahit na mayroong mataas na inflation na nararanasan ang bansa ay mananatili pa ring mataas ang kanilang benta.