-- Advertisements --

Hindi bababa sa 467 na katao ang nabitay sa buong mundo noong 2023 dahil sa pagkakasangot sa kaso ng iligal na droga.

Ayon sa isang non-government organization na Harm Reduction International (HRI), ito na ang pinakamataas na bilang na kanilang naitala simula ng gawin nila ang pag-track ng pagsasagawa ng death penalty sa iba’t ibang bansa noong 2007. 

Hindi pa umano kasama rito ang pinaniniwalaang daan-daang nabitay sa China, Vietnam, at North Korea dahil hindi umano nilalabas ng mga naturang bansa ang datos ng sumasailalim sa kanilang death penalty.

Kabilang din daw sa mga ito ang mga bansang Iran, Saudi Arabia at Thailand na madalas nagsesentensiya ng death penalty sa mga drug offence. 

Samantala, isa naman ang Singapore sa mga bansang ibinalik ang death penalty pagkatapos ng pandemya. Sa huling tala ng Human Rights Watch noong Nobyembre 2023, mayroon nang nabitay na 16 na katao dahil sa mga itinuturing nilang “most serious crimes” gaya ng murder at drug trafficking.