-- Advertisements --
BSP

Lalo pang dumami ang bilang ng mga banko na naghain ng applikasyon para sa digital bank license, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ay kahit hanggang sa 2024 pa ang pagtatapos ng application para sa naturang lisensya.

Sinabi ni BSP Governor Eli M. Remolona Jr. na dumarami pa ang bilang ng mga grupo at mga banko na nagnanais makakuha ng naturang lisensya para magamit ito.

Dahil dito, umaasa ang BSP na makakapaglabas na ito ng mga lisensya sa mga darating na araw, kasunod na rin ng moratorium na una nitong ipinatupad.

Sa ngayon aniya, patuloy pa ring minumonitor ang anim na digital bank na unang nabigyan ng lisensya para makapag-operate.

Nagpapatuloy din ang ginagawa ng central bank na pag-review sa performance ng mga naturang banko na binigyan ng lisensya, upang matukoy kung ilang mga karagdagang banko o grupo ang maaari pang ma-accommodate ng naturang industriya.