-- Advertisements --
Nabawasan ang bilang ng mga atleta ng bansa na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa buwan ng Mayo.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino, na nagkaroon ng ilang problema sa kanilang dokumento ang ilang atleta.
Ilan sa mga dito ay ang pag-expire na ng kanilang pasaporte, wrong entry, double entry at hindi pinayagan ang mga reserved athletes.
Ganun pa hindi naman nababahala si Tolentino sa nasabing pagbabago dahil alam niya ang mga kalidad ng mga atleta ng bansa para makahakot ng medalya sa nasabing torneo.










