-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga kumuha ng mga life plans noong nakaraang taon.

Base sa datus ng Insurance Commissions na mayroong P2.09 bilyon noong 2023 ang kinita ng mga pre-needs plans kumpara noong 2022 na mayroong P429.6 milyon.

Halos 750,000 na mga tao ang kumuha ng pre-need plans noong 2023 na mas umangat kumpara sa mahigit 744,000 na nakabili noong 2022.

Ang pre-need plans ay kinabibilangan ng life, education at pension.