-- Advertisements --

Normal na uli ang kondisyon ng kalusugan ni Peter Advincula alyas Bikoy.

Ito ay ayon sa Philippine National Police (PNP) kasabay ng anunsyo na nakalabas na ito sa ospital matapos isinailalim sa ilang pagsusuri.

Lumabas sa final diagnosis na anxiety disorder ang dinanas ni Bikoy.

Nitong Sabado nang isugod sa PNP General Hospital si Bikoy dahil sa pag-inda ng hirap sa paghinga at pananakit ng dibdib.

“His health condition is now normal,” saad ng PNP.

Kung maaalala, si Bikoy ang lalaki na nasa video na nagpangalan kay Pangulong Rodrigo Duterte at kaalyado nito na umano’y sangkot sa iligal na droga, bagay na binawi rin nito ng sumuko sa mga otoridad.