-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bigtime price hike.

Kaninang alas-6:01 ng umaga ay ipinatupad ang P2.60 sa kada litro na pagtaas ng gasolina.

Habang mayroong P1.70 sa kada litro ng diesel at P1.90 naman sa kada litro ng kerosene.

Itinuturong dahilan ng Department of Energy ay ang pagbabawas ng nasa 1.66 milyon na bareles kada araw na produksyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries at ang Russia.

Nagbabala rin ang DOE na posibleng masundan pa sa susunod na linggo ang nasabing pagtaas ng presyo ng langis.