DAVAO CITY – Nagsagawa ngayon ng manhunt operation ang mga kapulisan ng Police regional Police PARO)-11 sa Davao Norte Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Tagum City Police laban sa isang Top 16 City level drug personality kung saan narekober sa loob ng kanyang bahay ang higit P5.8 milyong halaga ng illegal na droga.
Una ng pinatupad ng otoridad ang Search Warrant na inilabas ni Honorable Judge Dante A. Baguio ng RTC Branch-2 laban sa suspek na nakilalang si Michael Pascual Quevido, Top 16 City level drug personality ng Visayan Village, Tagum City kahapon.
Narekober ng otoridad ang isang caliber .45 pistol n a may limang mga bala, shabu na tumitimbang ng higit kumulang 86.44 grams na may Dangerous Drug Board (DDB) value na Php 5,877,975.76 pesos at mga drug paraphernalia.
Sinasabing hindi naabutan ng otoridad sa kanilang bahay ang suspek bagkus ang kanyang asawa lamang na nakilalang si Mayerth ang tumanggap ng Search Warrant at sinaksihan mismo ang search process at procedures hanggang sa marekober ang mga illegal materials.
Kinilala naman ni Pol. Brig. Gen. Benjamin Silo, Jr. regional director ng PRO-11 na isang matagumpay ang nasabing operasyon.