-- Advertisements --
Nilinaw ng Pagasa na walang bagyo ngunit asahan ang malakas at biglaang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Partikular na makakaranas ng ulan ang Central Visayas, Eastern Visayas, Caraga Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, BARMM, ilang parte ng Western Visayas at Palawan.
Maliban sa shear line (tail-end of frontal system) na umiiral sa Visayas at northern section ng Mindanao, nararamdaman na rin ang northeast monsoon o amihan sa Luzon region.
Wala pa namang namamataang aktibong namumuong sama ng panahon ngayong linggo sa Pacific Ocen na maaaring makaapekto sa ating bansa.