-- Advertisements --
Chiyuto illegal scheme

ILOILO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon ng illegal investment scheme na Chiyuto Creative Wealth Documentation Facilitation Services na pagmamay-ari ng big time scammer na si Don Patrocenio Chiyuto.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Gervacio Balmaceda, pinuno ng CIDG-Region 6, sinabi nito na marami pa rin silang namomonitor na mga investor ni Chiyuto sa Western Visayas.

Ito ay kahit naglabas na ng cease and desist order ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa nasabing investment scheme.

Maliban aniya rito, may tatlong pang scammer sa rehiyon na kanilang natukoy.

Napag-alaman na modus nila na hingan ng daan-libo hanggang sa milyong pera ang mga biktima kung saan pinapangakuan sila na dodoble ang investment sa loob lang ng isang buwan.