KORONADAL CITY – Boluntaryong sumuko sa mga kasundalohan ang isang high-ranking official ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at kasama nito.
Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal mula sa 6th Infantry Division Philippine Army, sumuko ang mga ito sa 40th Infantry Battalion sa General SK Pendatun, Maguindanao.
Kinilala ang mga surenderee na sina Kumander Abubakar Kauteng alyas “Buba,” field commander at ang tauhan nitong si Kautin Said, na kabilang sa Karialan Faction.
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na isang M1 Garand rifle at M16 armalite rifle.
Pinuri naman ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander M/Gen. Diosdado Carreon ang pagsuko ng dalawa at tiniyak ang tulong na matatanggap ng mga ito mula sa pamahalaan.










