-- Advertisements --
Hindi naniniwala si US President Joe Biden na isang pangunahing security breach ang naganap na pagpapalipad ng suspected Chinese spy balloon sa kalawakan ng US.
Kasunod ito sa ilang batikos ng ilang mga mambabatas ng US kung bakit hindi niya agad nito pinabagsak.
Ayon sa US President na wala itong pagsisisi kung bakit hindi nila ito agad na pinabagsak.
Dagdag pa nito na nababahala ang mga sundalo sa lugar na babagsakan ng mga debris kung sakaling ito ay kanilang agad na pinabagsak.
Magugunitang itinanggi ng China na isang uri ng spy balloon ang nakita sa malaking bahagi ng US at ito aniy ay pag-aari ng pribadong kumpanya na nagbabantay sa lagay ng panahon.