-- Advertisements --

Tiniyak na US President Joe Biden na nananatiling nakabantay ang kaniyang gobyerno matapos ang naganap na magnitude 4.8 na lindol sa New York.

Pinakilos naman ni New York Mayor Eric Adams ang kaniyang mga tauhan para matiyak na walang mga residente ang nadamay.

Sinabi naman ni New York Governor Kathy Hochul na kanilang hindi binabalewala ang lindol dahil sa potensiyal na aftershocks.

Una rito ay naitala ang epicenter malapit New Jersey at New York City.