-- Advertisements --

Binisita ni US President Joe Biden ang Buffalo, New York kung saan naganap ang pinakabagong mass shooting.

Kasama nito ang kaniyang may-bahay na si first lady Jill Biden ay nakipagpulong sila sa pamilya ng 10 biktima na karamihan ay mga African-American.

Sumunod na nakipagpulong din ang US President sa mga community leaders ng lugar ganun din ang mga first responders sa insidente.

Magugunitang pinasok ng suspek ang isang grocery store sa lugar at doon pinagbabaril ang mga tao bago sumuko sa mga kapulisan.