-- Advertisements --

Hindi pa rin nagbabago ang suporta ng US sa Ukraine.

Ito ang pagtitiyak ni US President Joe Biden ng tawagan niya si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ayon kay White House press secretary Karine Jean-Pierre, na binati muna ni Biden si Zelensky dahil sa 31st Independent anniversary ng Ukraine.

Naniniwala kasi ang US na mapagtatagumpayan ng Ukraine ang Russia.

Magugunitang mayroong halos $3 bilyon na financial na tulong ang US sa Ukraine.

Pinasalamatan naman ni Zelensky ang US dahil sa walang tigil ang kanilang pagtulong.