-- Advertisements --

Nagkausap sa telepono sina US President Joe Biden at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Kasunod ito sa makailang ulit na panawagan ng US at ibang mga bansa na huwag ng ituloy ng Israel ang paglusob sa Rafah City.

Huling nagkausap ang dalawa ay noong Pebrero 15 kung saan patuloy ang pagsulong ni Biden ng usaping pagkapayapaan.

Sinabi ni national security adviser Jake Sullivan na naging mabunga ang pag-uusap at sinabi ni Biden na hindi sila titigil na isulong ang ceasefire sa Israel.

Naniniwala ang US na mayroong ibang paraan ang Israel para manalo ito sa giyera laban sa Hamas militants.