Inamin na rin ng gobyerno ng Amerika na may go-signal umano kay US President Joe Biden ang lumutang na panukalang palitan ng mga bilanggo para mapalaya sa Russia ang NBA star na si Brittney Griner.
Kinumpirma ni US Secretary of State Antony Blinken na naglatag na ang Amerika ng malaking panukala ilang linggo na ang nakakalipas para mapalaya si Grinner at dating US Marines na si Paul Whelan na isang Canadian at U.S., British, na may Irish citizenship.
Ang mga ito ay ikinulong daw ng Russia sa mga maling paratang.
Ang prisoners swap ay sa kabila na komokontra dito ang US Department of Justice.
Sinasabing pampalit daw sana ng Amerika para sa dalawa ay ang na-convict na Russian arms dealer na si Viktor Bout.
Pero hindi naman ito inamin ni Blinken kung ang ipapalit nila ay si Bout.
Ayon pa sa US top diplomat, nakatakda niyang pag-usapan ang naturang panukala sa kanyang counterpart na si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov.
Ilan namang senior administration official sa Amerika ang nagsabi na tila mistulang hindi katanggap tanggap sa Russia ang prisoners swap na una nang inialok noon pang buwan ng Hunyo.
Kung maalala si Whelan, ay una nang ikinulong dahil sa reklamo na espionage noon pang taong 2018, habang ang basketball star na si Griner naay ikinulong din noong buwan ng February dahil sa drug possession bagay naman na kanyang itinanggi.










