-- Advertisements --

Nasa mabuting kalagayan si US President Joe Biden matapos na ito ay matumba sa kaniyang pagbibisikleta.

Nangyari ang insidente sa malapit sa kaniyang beach house sa Delaware.

Matapos na matumba ang 79-anyos na US President ay agad naman itong tumayo at nagpatuloy sa kaniyang pakikipagpulong sa publiko.

Paliwanag nito na naipit ang kaniyang paa sa pedal strap kaya ito natumba sa pagbibisikleta.

Magugunitang noong nakaraang taon ay natumba ito habang papaakyat sa kaniyang eroplano.