-- Advertisements --
Mariing itinanggi ni dating US Vice-President Joe Biden ang alegasyon ng sexual assault sa kaniyang dating staff assistant na si Tara Reade.
Sinabi nito na hindi nangyari ang nasabing alegasyon ng halos 30 taon na ang nakakalipas.
Hinamon pa nito ang mga interesado sa kaso na maghanap ng mga ebidensiya sa Senado sa reklamo ni Reade.
Nauna rito naghain nang reklamo sa kapulisan si Reade kung saan inihain lamang nito ang reklamo para sa kaniyang kaligtasan lamang.
Naging empleyado ni Biden si Reade mula 1992 hanggang 1993 habang senador pa lamang ito sa estado ng Delaware.
Kuwento ng 56-anyos na si Reade, noong 1993 nang pilitin umano siya ni Biden na isandal sa pader ng kongreso at doon ipinasok ang kamay sa maselang bahagi ng kaniyang katawan.