-- Advertisements --
Ipinaalam na kay US President Joe Biden ng White House ang pagpayag ng Hamas ukol sa ceasefire na isinulong ng Egypt at Qatar.
Ayon kay White House national security spokesperson John Kirby, na nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaalyado nilang bansa kung ano ang susunod na tugon dito.
Umaasa aniya ang US na hindi na itutuloy ng Israel ang balak nitong pag-atake sa Rafah matapos ang pagpayag ng Hamas.
Una rito ay matapos na kumalat ang balitang pagpayag na ng Hamas sa ceasefire ay nagdiwang na ang maraming mga Palestino na nasa Gaza.