-- Advertisements --
Handan ipagtanggol ni US President Joe Biden ang Taiwan sakaling lusubin sila ng China.
Sinabi nito na kahit na independent island ito na inaangkin ng China ay hindi magdadalawang isip ang US na ipagtanggol ang mga ito.
Iginiit nito na hindi nagbabago ang kanilang pagbibigay ng tulong sa Taiwan dahi sa naging maganda ang samahan nila.
Magugunitang patuloy pa rin na kinikilala ang China ang Taiwan bilang kanilang parte ng bansa kahit na nagdeklara na ito ng kaniyang pagiging independent.