-- Advertisements --

Dumating na sa Bali, Indonesia si US President Joe Biden para sa pagdalo nito sa G20 Summit.

Kasama rin sa agenda ng US president ang personal na pakikipagpulong nito kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga world leaders mula ng manalasa ang COVID-19 pandemic.

Ilan sa mga nakatakdang talakayin nina Biden at Xi ay ang usapin sa human rights at ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.