-- Advertisements --

Nanatiling nasa mabuti ang kalagayan ni US President Joe Biden kahit na ito ay positibo pa rin sa COVID-19.

Sinabi ni White House physician Dr. Kevin O’Connor, na ipagpapatuloy pa rin ni Biden ang pag-isolate at pag-obserba ng health protocols.

Dagdag pa ni O’Connor na gumaling na ubo ni Biden at maging ang kaniyang blood pressure, oxygen saturations at respiratory rate ay nasa normal level na.

Magugunitang unang nagpositibo si Biden noong Hulyo 21 at mula noon ay nagpositibo ulit ng ilang beses.

-- Advertisement --