-- Advertisements --
Itinakda sa buwan ng Mayo ang pagpupulong nina US President Joe Biden at South Korean President Moon Jae-in.
Sinabi ng South Korean president, pag-uusapan nila ang kooperasyon ng dalawang bansa para makamit ang tuluyang denuclearization at kapayapaan sa Korean peninsula.
Ang nasabing pahayag ay kasunod nang kumpirmasyon na gagawing pagpupulong din nina Biden at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga sa Washington.
Nauna rito, ibinunyag ng administrasyon ni Biden na nasa final stage na sila ng pag-aaral ng polisiya sa North Korea at interesado rin sa trilateral cooperation sa Seoul at Tokyo.










