-- Advertisements --
DOTR JAIME BAUTISTA

Bidding para sa plaka ng mga sasakyan, binuksan na ng Department of Transportation
Loops: Plaka ng mga sasakyan, Transportation Usec for Admin and Finance Kim Robert de Leon, driver’s license

Binuksan na ng Department of Transportation(DOTr) ang bidding para sa plaka ng mga sasakyan.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Administration and Finance Kim Robert de Leon, tatlo ang inisyal na bidder nagpakita ng interest ngunit isa lamang ang pumasa sa bidding process.

Isasailalim din ito aniya sa post qualification assessment upang matiyak na walang magiging problema.

Kung makakapasa ito sa assessment ng DOTR, maaari na aniyang mai-award ang kontrata sa bidder, sa buwan ng Hulyo.

Paliwanag ni De Leon, tiyak na magiging mahaba ang proseso dahil sa may mga security features ang mga plaka, hindi tulad sa mga plastic cards.

Target naman ng ahensiya na agsapit ng Oktobre ay masisimulan na ang pagdeliver sa mga plaka ng mga car owners sa bansa.

Maalalang maliban sa naging problema sa pagkaubos ng plastic cards para sa driver’s license, nauna na ring naging isyu ang kakulangan sa supply ng plaka, kung saan maraming mga car owners sa bansa ang naghihintay pa ng mahaba-habang panahon, bago nila nakukuha ang kanilang plaka.