-- Advertisements --
Susubukan na umanong tapusin ng mga mambabatas ang bicameral conference para sa Bayanihan to Recover as One Act o kilala rin bilang Bayanihan 2.
Ayon kay Senate committee on economic affairs chairperson Sen. Imee Marcos sa panayam ng Bombo Radyo, kakaunti na lamang ang nalalabing isyu na hindi pa nareresolba mula sa Senate at House version ng panukala.
Ang Bayanihan 2 ay inaasahang magiging basehan sa paglalaan ng pondo sa mahahalagang proyekto na bahagi ng pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Marcos, apat na araw na ang pagpupulong sa bicam, ngunit may ilang paksa na hindi pa nagtutugma.
Pangunahin aniyang problema ang maliit na pondong kailangang hatiin sa napakaraming request ng mga ahensya.










