
Nilinaw ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga banyaga lamang na mayroong permanente o immigrant visas ang puwedeng makapasok sa Pilipinas simula Agosto 1.
Dahil dito, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ipinagbabawal pa rin sa pagpasok dito sa Pilipinas ang mga foreign tourists, non immigrant visa holders at iba pang kategorya ng aliens
Ang mga magtatangkang pumasok ay agad namang pababalikin sa kanklang ports of entry.
Nag-isyu ng statement si Morente kasunod ng pagbuhos umano sa mga immigration offices sa mga airports at iba pang field offices ng BI ay inulan ng mga tawag at queries sa mga banyagang nag-aakalang bukas na ang bansa para sa lahat ng mga foreigners.
Dahil dito, nagbabala ang Immigration sa mga hindi permanenteng residente ng bansa na nagbabalak pumunta dito sa Pilipinas na huwag nang tangkaing tumuloy dahil hindi rin sila papapasukin ng mga immigration officers.










