-- Advertisements --
Lumobo na sa 46 ang bilang ng mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na nagpositibo sa Coronavirus diaease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa 46 na infected ay siyam na ang gumaling at 37 ang nasa quarantine facility.
Dagdag ng BI Chief mayroon pang 93 suspected COVID-19 cases sa kanilang mga tauhan pero kalahati sa mga ito ay cleared na at nag-negatibo na sa virus makaraang mag-home quarantine.
Isa naman daw ang nananatiling ginagamot sa ospital.
Pero masuwerte pa rin umano ang BI dahil wala pa namang namatay sa kanilang hanay dahil sa covid.
Tiniyak naman ni Morente na ginagawa lahat nila ang kanilang makakaya para masunod ang mga health protocols para mapigilan ang pagkalat ng naturang virus.










