-- Advertisements --

Inaasahang ng Bureau of Immigration (BI) na papalo ang inbound travelers sa 12,000 kada araw sa bansa nagyong opisyal ng nagsimula ang summer season.

Ayon kay BI spokesperson Dana krizia Sandoval, sa ngayon umaabot sa average 10,000 ang arrivals kada araw sa bansa.

Nakikita na mas marami pang mga banyaga ang pupunta sa bansa para magbakasyon ngayong summer season.

Nito lamang Pebrero 10, muling nagbukas ang borders ng ating bansa para sa mga fully vaccinated na foreign travelers mula sa 157 visa-free countries.

Nakatakda namang buksan pa ang borders ng bansa para sa mga tfully vaccinated na travelers sa lahat ng mga bansa simula sa Abril 1.