-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of Immigration na nakaaresto sila ng nasa 128 foreign fugitives noong 2023.

Kabilang sa mga pagkakasala ng mga ito ay economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery at smuggling, ayon sa pahayag ng ahensya.

Iniulat ng Fugitive Search Unit ng BI na 39 South Koreans ang karamihan sa mga naarestong pugante. Nahuli rin ng mga awtoridad ang 25 Chinese, 15 Vietnamese, 12 Taiwanese, 11 Americans, at 8 Japanese.

Binanggit din ng ahensya ang mga pag-aresto kina Risa Yamada, Fujita Kairi at Sato Shohei noong Enero, Marso at Abril, dahil sa kanilang kaugnayan sa sindikatong “Luffy”.