-- Advertisements --
Inihayag ng Department of Health na naglagay na ito ng fast lane sa mga ospital sa Albay habang patuloy na nag-aalburo ang bulkang Mayon sa nasabing probinsya .
Ayon sa pamunuan ng DOH, ang naturang fast lane ay para sa mga volcano-related emergencies.
Nag deploy na rin ang kanilang ahensya ng kanilang mga tauhan mula sa Maynila .
Bukod dito ay nagpadala na rin ng mga gamot , inuming tubig at Covid-19 testing kits para sa mga residenteng inilikas sa mga evacuation centers para maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.
Naka standby na rin ang mga medical team ng Health Department mula sa Naga City, Camarines Sur.
Ang health news ay inihatid sa inyo ng Immnunomax, the one and only immunomdulator made with pure CM Glucan.