Hinimok ng isang dating mambabatas ang Bureau og Immigration (BI) na ideklara bilang “persona non grata” ang dating mataas na opisyal ng World Health Orgnization (WHO) na nasibak dahil sa kasong racism at abusive behavior nito.
Matatandaan na nasibak bilang WHO’s Regional Director in the Western Pacific si Dr. Takeshi Kasai nakabase sa Maynila matapos na ilang staff nito ang nagreklamo laban sa kaniya dahil sa hindi magandang trato nito at pambubully partikular na laban sa mga Pilipino at iba pang bansa sa Asia-Pacific.
Ayon kay dating Ilocos Sur First District Representative Deogracias Victor “DV” Savellano na nagsilbi bilang Deputy Speaker of the House of Representatives noong 18th Congress na ang malisyosong mga komento ni Kasai na nangmamaliit at nanyuyurak sa mga Pilipino at iba pang mga lahi ay isang kahihiyan sa WHO na sinasabing nagsisilbi para sa kabutihan ng nakakarami subalit para lamang sa iilan.
Ang pagkakasibak ni Kasai ay kasunod na rin ng imbestigasyon kung saan nabunyga ang mga dokumento at recordings ng derogatory remarks nito sa staff base sa kanilang nationalities at isinisi ang COVID-19 surge sa ilang bansa dahil sa kanilanh kakulangan ng kapasidad dahil sa inferior culture, race at socio-economic level.
Si Kaisai din ang kauna-unahang top-ranked regional official na sinibak ng WHO.