All set na ang Bureau of Immigration (BI) para sa pagdagsa ng mga pasahero na dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nakahimplay sa mga presinto kasabay ng paggunita ng undas bukas, Nobiyembre 1.
Kaugnay nito, inatasan na ni BI Commissioner Norman Tansingco ang lahat ng terminal heads na imonitor ang mga operasyon ng bureau upang madetect at mapangasiwaan ang posibleng mga problema sa lalong madaling panahon.
Nagpatupad din ang ahensiya ng mga hakbang para matiyak na mananatiling manageable ang mga pila dahil sa inaasahang tuluy-tuloy na pagdating at pag-alis ng mga pasahero sa mga paliparan.
Pinaigting din ng ahensiya ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng karagdagan pang immigration officers, pagtatalaga ng augmentation teams at paglikha ng mobile counters na magpapabilis sa proseso ng mga paparating at papaalis na mga pasahero.