Itinalaga ni PNP OIC LtGen. Archie Gamboa si BGen. Ildibrandi Usana bilang bagong hepe ng PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) kapalit ng nagretirong si BGen. Dennis Siervo.
Epektibo kahapon, January 13,2020 ang appointment ni Usana na miyembro ng PNPA Class of 1988.
Si Usana ang dating Acting Regional Director at Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 7 (PRO-7).
Papalit naman sa pwesto ni Usana sa Region 7 si BGen. Domingo Cabillan ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO 11 at miyembro ng PNPA Class of 1989.
Maliban sa dalawang nabanggit na opisyal, uupo rin sa kanilang bagong puwesto sina P/Col Alessandro Abella bilang Acting Chief ng PNP Women and Children Protection Center at P/Col Armando De Leon bilang Acting Deputy Regional Director for Administration PRO 11.
Samantala, itinalaga naman si P/Col. Jimmy Catanes bilang Acting Regional Director ng Regional Internal Affairs Service 3 nuon pang December 23 ng nakalipas na taon.