-- Advertisements --
viber image 2023 09 16 15 15 51 451

Pormal nang itinalaga si dating assistant division commander BGEN. Allan Hambala bilang ika-16 na commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army.

Ito ay matapos ang isinagawang Change of Command Ceremony na ginanap sa Sgt. Demerin Grandstand, Camp Gen. Manuel Yan Sr., sa Mawab, Davao de Oro sa pangunguna nina PH Army commanding general LT GEN Roy Galido, at dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagsilbi naman bilang panauhing pandangal.

Si Hambala ay humalili kay MGEN. Jose Eriel Niembra na nakatakda nang magretiro sa kanyang serbisyo sa kaniyang retirement age na 56 taong gulang.

Nago maitalaga sa naturang posisyon ay nanilbihan muna si Hambala bilang assistant division ng 10ID , Brigade Commander ng 401st Infantry Brigade, Assistant Chief of Staff for Operations ng 6th Infantry Division, at Battalion Commander ng 15th Infantry Battalion.