Mas tinututukan na sa ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kanilang imbestigasyon sa “arson” na siyang dahilan ng sunog na tumupok sa malaking bahagi ng Star City amusement park sa Pasay CIty.
Sa isang panayam, sinabi ni Quoting city fire marshal Superintendent Paul Pili na arson na lang ang kanilang tinitingnan na anggulo sa naturang sunog.
Ayon kay Pili, may standard operating proceedure na sinusunog ang pamunuan ng Star City kung saan pinapatay ang kanilang power system kapag walang operasyon ang amusement park.
Magugunita na nagsimulang masunog ang Star City noong madaling araw ng Miyerkules.
Dagdag pa ni Pili, inaalam na rin ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa arson upang sa gayon ay matukoy din ang mga nasa likod ng sunog.