-- Advertisements --

Mas tututukan pa ngayon ng Department of the Interior and Local Government ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection.

Ito ang isa sa mga inihayag na marching order ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. para sa taong kasulukuyang 2024.

Sa kaniyang State of the Department Address ay inatasan ni Sec. Abalos ang BFP na ipagpatuloy pa nito ang kanilang modernisasyon at capicity-building initiatives.

Layunin nito na mabawasan pa ang bilang ng mga insidente ng sunog, kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng 1,634 na mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas ay mayroong mga functional fire trucks at fire stations.

Samantala, sa kabilang banda naman ay isa-isa ring binanggit ng kalihim ang mga naging accomplishment ng DILG sa nakalipas na taong 2023 sa larangan ng pagpapatupad ng peace and order, public safety, at local governance, na bahagi pa rin ng kanilang pagpapahayag ng buong suporta sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang ligtas, at mapayapang Bagong Pilipinas.