-- Advertisements --
Aprubado na sa huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas tungkol sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Mayroong 23 senador ang bumoto na dapat ipasa na ang Senate Bill 1832 o ang Bureau of Fire Protection Modernization Act.
Ang nasabing panukalang batas ay iniakda ni Senator Ronald Dela Rosa.
Sa nasabing panukalang batas ay mas gagampanan umano ng mga bumbero ang kanilang trabaho.