-- Advertisements --

Sisimulan ngayong araw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pamamahagi ng 53 fire trucks sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa.

Sinabi ni BFP Directorate for Administration Chief Jesus Fernandez, na mga bago ang nasabing trucks na mayroong kapasidad ng 1,000 gallons.

Kumpleto ang kagamitan ng bawat trucks na bawat isa ay nagkakahalaga ng P14 milyon.

Mula aniya sa regular na pondo ng kanilang opisina ang pinambili nito na gawa sa bansang Japan.