-- Advertisements --

Diretsahang nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang kakulangan sa suplay ng isdang tamban sa merkado base na rin sa data ng ahensiya.

Taliwas naman ito sa claim ng ilang fishing groups.

Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, umaabot sa mahigit 200% at 400% ang sufficiency levels ng tamban sa una at ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.

Bagamat kanilang kinukumpirma muna ang napaulat na kakapusan umano ng available na tamban sa merkado.

Ayon pa sa BFAR official na marahil ang masamang lagay na panahon kamkaiilan ay nakaapekto sa fishing activities na posibleng nakaapekto sa suplay ng tamban.

Una rito, sinabi ng Zamboanga City Fish Broker Association at Southern Philippines Deep Sea Fishing Association Inc pakunti ng pakunti ang pumapalaot dahil sa mataas na presyo ng langis.

Isa pa sa itinuturong dahilan ng limitadong suplay ay ang fisheries law na nagbabawal sa commercial fishing vessels sa mga municipal waters o sa palibot ng 15 kilometro mula sa coastline liban na lamang kung magbibigay ng pahintulot ang lokal na pamahalaan.