-- Advertisements --

Inanunsiyo ng singer na si Beyonce ang paglulunsad niya ng hair care line.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang video ng kaniyang produkto na pormal na ipapakilala sa publiko sa darating na Pebrero 20.

Sinabi nito na alam niya ang pagpapahalaga ng mga black women sa kanilang buhok at kagandahan.

Hindi lamang si Beyonce ang unang celebrity na naglunsad ng hair care dahil noong 2019 ay inilunsad ni Tracee Ellis Ross ang Pattern hair care.

Matapos ang dalawang taon ay inilunsad din ng actress na si Jennifer Aniston ang kaniyang hari care products.