Ngayon pa lamang paborito na umano ng maraming mga sports analysts na magkakampeon sa NBA Finals ang Golden State Warriors.
Habang itinuturing naman ang Boston Celtics bilang underdog sa pagsisimula ng Game 1 ng Finals sa araw ng Biyernes kaugnay ng kanilang best-of-seven series.
Maging sa mga mananaya o mga sugarol doon sa Las Vegas ay naniniwala na abanse rin daw ang Warriors na ibubulsa muli ang kampeonato.
Lalo pang naging title favorite ang Warriors nang ma-knockout nila ang Dallas Mavericks sa loob ng five games sa Western Conference finals.
Kaya naman agaw pansin ang isang sugarol doon sa Las Vegas nang tumaya ng katumbas sa P1.2 million.
Ito na ang ika-anim na beses na tutuntong sa NBA finals ang Warriors sa nakalipas na walang taon.
Habang ang Celtics naman ay inabot ng 12 taon bago muling makakatikim ang Finals appearance.