-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong komediyante na si Ernesto Fajardo o kilala bilang “Don Pepot” sa edad 88.
Sa social media post ng anak nito na si Michael, dumanas siya ng acute respiratory failure dahil sa COVID-19.
Ilang dekada ang inabot ng career sa bansa.
Nagsimula ito sa pelikulang “Show Business” noong 1964.
Mula noon ay nakasama siya sa iba’t-ibang pelikula at mga sit com sa telebisyon.
Noong 2005 ay nakatanggap siya ng FAMAS Lou Salvador Sr. Memorial Award dahil sa kakaibang kontribusyon nito sa pelikula.
Nakaratay ang bangkay nitosa Solennelle Funeral Homes sa Valenzuela City at bubuksan ito sa publiko sa darating na Enero 22.